Pangulong Duterte, fully vaccinated kontra COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Fully vaccinated na kontra COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Security Group Commander Brig. General Jesus Durante, natanggap ni Pangulong Duterte ang kanyang second dose 14 araw matapos ang unang dose.

Matatandaang tinurukan ang Pangulo ng first dose noong May 3 gamit ang Sinopharm kahit na wala pang emergency use authority mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Durante, napakahalaga na fully vaccinated na ang Pangulo para lalo pa nilang maingatan ang Punong Ehekutibo at maayos na magampanan ang kanyang tungkulin at mapaglingkuran ang taong bayan.

Sa polisiya ng World Health Organization (WHO), dapat iturok ang second dose ng bakuna, 28 araw matapos ang first dose at hindi 14 araw.

Matatandaang buwan na ng Hunyo napagkalooban ng FDA ng EUA ang Sinopharm.

Read more...