Fully vaccinated na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ayon sa Muntinlupa City government, Sinovac ang itinurok na bakuna kontra COVID-19 sa dating Punong Ehekutibo.
Nabigyan ang dating Pangulo ng second dose ng Sinovac sa De La Salle Zobel School sa Ayala Alabang Village.
Kasama nito sa vaccination ang kanyang pamilya.
Si Ayala Alabang Kgd. Dr. Lester Suntay ang nagbakuna sa 92-anyos na dating Pangulo.
Matapos mabakunahan, hinikayat ni Ramos ang mamamayan na alisin na ang mga pangamba at pagdududa at magpaturok na ng proteksyon laban sa COVID 19.
Samantala, hanggang noong Miyerkules, 147,989 vaccines na ang naideploy sa lungsod, 119,560 ang first dose at 28,249 na ang fully vaccinated.
May 224,574 na ang nagpa-rehistro sa Muntinlupa COVID Vaccination (MunCoVac), na 58 porsiyento ng kabuuang target na bilang na dapat mabakunahan sa lungsod.
Samantala, inanunsiyo ng MunCoVac ang karagdagang requirement para sa mga economic frontliners na hindi residente ng lungsod.