Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 180.77 milyon

Pumalo na sa 180.77 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 180,777,842 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,464,956 cases.

Sumunod na rito ang India na may 30,134,445 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 18,243,483 naman ang kaso sa Brazil habang 5,764,329 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,393,248
– Russia – 5,388,695
– United Kingdom – 4,684,572
– Argentina – 4,350,564
– Italy – 4,255,700
– Colombia –  4,060,013
– Spain – 3,777,539
– Germany – 3,733,077
– Iran – 3,140,129

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,916,268 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 165,427,681 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...