Clippers inipit ang Suns para sa unang panalo sa West Finals series

NBA PHOTO

Hindi na pinabangon ng LA Cippers ang Phoenix Suns para maiwasan na mabaon sa 0-3 sa NBA Western Conference Finals sa Staples Center.

 

Nagtapos ang Game 3 sa iskor na 106 – 92 at 2-1 ang serye lamang pa rin ng isang panalo ang Suns.

 

Sa kalagitnaan ng huling yugto ng laban ay nag-init ang Suns sa 10-0 pasabog at nakalapit ng anim na puntos, 83-89, ngunit dalawang sunod na tira ni Reggie Jackson ang pumasok para makahinga pa ang Clippers.

 

Nanatiling walang talo ang Clippers sa lahat ng Game 3 sa paglalaro nila sa playoffs.

 

Nagpasabog ng 50 puntos sina Jackson at Paul George para sa Clippers sa kabila nang hindi pa rin paglalaro ni Kawhi Leonard.

 

Nakapaglaro naman na si Chris Paul para sa Suns ngunit sila ay pinagunahan pa rin ng 18 puntos ni DeAndre Ayton. Gumawa ng tig-15 puntos sina Paul at Devin Booker.

 

Sa Staples Center pa rin gaganapin sa Linggo ang Game 4 ng serye.

Read more...