US President Biden nakiramay sa bansa sa pagpanaw ni PNoy

Nadagdag si US President Joe Biden sa mga international leaders na nagpadala na ng kanilang mensahe ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

“A valued friend and partner to the United States,” ang pagsasalarawan ni Biden kay Aquino.

Kinilala din nito ang matatag na paninindigan ni Aquino sa pagsusulong ng kapayapaan, rule of law, gayundin ang pagsusumikap na mapagputi ang ekonomiya ng Pilipinas at antas ng pamumuhay ng mga Filipino.

Hindi rin aniya makakalimutan ng mundo ang paninindigan ng yumaong pangulo na maipatupad at masunod ang mga batas pandaigdigan sa loob at labas ng Pilipinas.

Ilan na sa mga nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pamilya Aquino at sa sambayanang Filipino ay mga lider sa European Union.

Read more...