Bagyong ‘Champi’ sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA

Mararamdaman pa rin ang epekto ng habagat sa Northern at Central Luzon, bagamat mananatili ang magandang panahon sa iba pang bahagi ng bansa sa pangkalahatan, ayon sa PAGASA.

Kasabay nito, tinutukan na ng PAGASA ang severe tropical storm na may international name na ‘Champi’ bagamat nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,840 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon na may lakas na hangin na umaabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at may bugsio na umaabot naman sa 115 kilometers per hour.

Ito ay kumikilos sa direksyon na hilaga-hilagangkanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Samantala, sa susunod na 24 oras ay maaring makaranas ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bataan at Zambales.

Magiging maulap naman na posibleng may pag-ulan ang mararanasan ng Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil sa habagat at localized thunderstorms.

Read more...