Magkakaroon ng one-day public viewing sa urn ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa araw ng Biyernes, June 25.
Sa inilabas na pahayag ng Liberal Party, ito ay bilang pagpapahalaga sa patuloy na pagbuhos ng panalangin at simpatya para sa dating Pangulo.
Isasagawa ang public viewing sa Church of the Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Kasunod ng regulasyon ng Inter-Agency Task Force para sa COVID-19, hinikayat ng pamilya Aquino ang lahat ng pupunta na sundin ang health protocols at social distancing measures na ipatutupad sa Ateneo de Manila University, katuwang ang mga awtoridad.
Samantala, magkakaroon ng live-streaming ang Ateneo De Manila University community sa public viewing sa pamamagitan ng Radyo Katipunan 87.9 FM Facebook page.
Mula sa Heritage Park sa Taguig, inuwi muna ng pamilya Aquino ang urn ng dating Pangulo bandang 10:00, Huwebes ng gabi.