Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 24, nasa 20,662 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 7,207 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Apat naman ang bagong gumaling kung kaya umabot na sa 12,228 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,227 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 11,741 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,532 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 986 naman ang kaso sa Americas at 4,403 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.