Pangulong Duterte, nakiramay sa pamilya ni dating Pang. Noynoy Aquino

Inquirer file photo

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inihayag ng Punong Ehekutibo ang pakikidalamhati sa mga kapatid ng dating Pangulo na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Viel Aquino-Dee at Kris Aquino, at maging sa mga mahal sa buhay, kaibigan at tagasuporta nito.

“May you take comfort in the knowledge that he is now in a better place with his Creator,” ayon kay Duterte.

Magkaisa aniya ang lahat para sa pag-aalay ng panalangin at isantabi muna ang pagkakaiba bilang pagpupugay sa isang lider na ibinigay ang buong kakayahan para makapagsilbi sa mamamayang Filipino.

“His memory and his family’s legacy of offering their lives for the cause of democracy will forever remain etched in our hearts,” dagdag ng Pangulo.

Nagsilbi si Aquino bilang ika-15 Pangulo ng bansa mula 2010 hanggang 2016.

Read more...