BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 1.37-M na; 6,043 ang bagong naitala

Lagpas 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (June 24), pumalo na sa 1,378,260 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 51,410 o 3.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,486 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

90.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.5 porsyento ang asymptomatic; 1.44 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 108 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 24,036 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,486 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,302,814 o 94.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...