Ikinagulat ng husto ni Senator Leila de Lima ang pagpanaw kaninang madaling araw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nagsilbi si de Lima sa gabinete ni Aquino bilang kalihim ng Department of Justice mula 2010 hanggang 2015.
“Sobrang napakabigat sa loob. During these very difficult times, our nation has lost a great leader. A leader who served with all his heart, not just to continue the legacy of his parents, but to also offer his life to lead our nation on a righteous path,” sabi ng senadora.
Samantala, ang iba pang senador na nagbahagi ng mensahe ng kanilang pakikiramay ay sina Joel Villanueva Manny Pacquiao, at Bong Go.
Sinabi ni Villanueva na higit pa sa kaibigan, kundi kapatid na ang turing niya kay Aquino, na tinukoy pa niyang ‘ninong’ ng TESDA.
“He believed in the great talents of our youth, waiting to be unlocked if given good training, the right breaks, and inspiring success stories. By ordering that they be trained, he invested in their dreams,” ayon kay Villanueva, na itinalaga sa TESDA ni Aquino.
Ayon naman kay Pacquiao, ipinakita ni Aquino ang pagmamahal niya sa bansa sa pamamagitan ng kanyang sinabi na ‘kayo ang boss ko,’ at sa pamumuno sa pamamagitan ng ‘Daan Matuwid.’
Ibinahagi naman ni Go na matagal din silang nagkakasama-sama nina Aquino at Pangulong Duterte.
“Mataas po ang respeto namin ni Pangulong Duterte kay former President Noynoy Aquino. Nasilayan naming ang kanyang tunay na pagmamahal sa kapwa Filipino,” banggit pa nito.