Lagpas 3.90 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,907,661 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 618,294.
Sumunod na rito ang Brazil na may 507,240 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 392,014 naman ang death toll sa India habang 231,847 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 191,073
– Russia – 130,895
– United Kingdom – 128,027
– Italy – 127,352
– France – 110,862
– Colombia – 101,947
– Germany – 91,146
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 180,372,985 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 165,098,641 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.