Ex-Presidents Gloria Arroyo, Erap Estrada nakiramay sa pamilya Aquino

Nagpahatid na rin ng kanilang hiwalay na mensahe ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang dalawang sinundan niya sa Malakanyang – sina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Arroyo.

 

Sinabi ni Arroyo, bukod sa mga nagawa ni Aquino para sa bansa at sambayanan, maaalala ito bilang bahagi ng pamilya na nag-ambag ng tatlong mahahalagang tao sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

Kasama sa tinukoy ni Arroyo sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.

 

“My family and I join the Filipino people in prayers and sympathy on the passing of former President Benigno Aquino III,” sabi pa ni Arroyo.

 

Samantala, sinabi naman ni Estrada na nalungkot siya sa pagpanaw ni Aquino at aniya ipinagdasal niya ito, maging ang mga naulila.

 

“My sincere condolences to the Aquino family. Sa pagkakataong ito, ang aking tanging dasal ay bigyan kayo ng Diyos ng lakas ng loob. Paalam, PNoy!” ang pahayag ni Estrada.

 

Kaugnay pa nito, sa tweet din idinaan ni dating Vice President Jejomar Binay ang kanyang mensahe ng pakikidalamhati.

 

Aniya may mga naging pagkakaiba man sila sa politika ng yumaong pangulo hindi aniya mawawala ang ilang taon nang pagkakaibigan ng kanilang pamilya .

 

Read more...