Patuloy ang pagpapahayag ng mensahe ng pakikiramay ng ilang senador, na malalapit na kaibigan ng yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino.
Isinalarawan ni Sen. Risa Hontiveros si Aquino na mabuting tao at isa sa mga pinakamagandang nangyari sa Pilipinas matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution.
“Nung mga taon na presidente natin si PNoy, ang dami nating mabuting nagawa, tayong mga Pilipino. He’s a good man at ang dami nating mabuting nagawa during his watch, maraming na-repare na democratic institution,” aniya.
Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na nakakadurog ng puso ang pagpanaw ni Aquino at dinipensahan pa niya ito.
“As our country’s leader, he did not deserve to be unappreciated. He served his country very well with humility, honor, and integrity. Even as President, he always managed to promptly respond to my messages, no matter how casual and trivial. It was indeed a privilege to have served with him – both in the Senate and the Executive Department, but more than that, to be his friend,” ayon kay Lacson.
Sa hiwalay naman niyang mensahe, sinabi ni Sen. Imee Marcos na higit pa sa politika at galit ng publiko, kilala niya si Aquino na mabait at simple.
Aniya nagkasabay sila sa pagpasok sa Kamara at nagkasama sila sa oposisyon sa Mababang Kapulungan.
Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na maaalala ang yumaong pangulo sa ipinatupad niyang pagbabago para sa mabuting pamamahala sa gobyerno para maipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang mga magulang, sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino.
“‘Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong.’ ‘Walang tongpats.’ ‘Kayo ang boss ko.’ These are just some of the quotes of PNoy that are forever etched in the hearts and minds of every Filipino and aptly captures his stance against the abuse of power by the people in power,” dugtong pa ni Angara.