Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III at ang kanyang suhestiyon ay isang account sa isang user lamang.
Aniya ito ang sinabi sa kanya para na rin maiwasan ang pagbuo ng ‘troll farms’ na gagamitin sa 2022 national at local elections.
“Hindi pupwede ‘yong tatlo, apat, ang account mo…Walang ginawa kundi magmura, hindi maganda ‘yon. Yon ang the best solution doon para mabawasan ‘yong sinasabing mga trolls at walang ginawa kundi manira ng kapwa,” sabi pa niya.
Dagdag pa niya hindi na kailangan pa ng batas dahil magagawa naman ito aniya ng Facebook at iba pang social media platforms.
Ngunit agad nilinaw ni Sotto na hindi niya itinutulak ang pag-‘regulate’ sa social media, kundi ang dapat lang solusyonan ay ang problema sa mga ‘trolls.’