Ika-450 anibersaryo ng Lungsod ng Maynila ngayon araw

Punong-puno ng mga aktibidad ang pagselebra  ng ika-450 anibersaryo ng lungsod ng Maynila ngayon araw.

Ang unang aktibidad ay ang wreath-laying sa monumento ng pambansang bayani, Dr. Jose Rizal, sa Luneta alas-7 ng umaga at susundan ito ng katulad na aktibidad sa Rajah Sulayman monument.

Magkakaroon ng selebrasyon ng Banal na Misa sa Manila Cathedral sa ganap na alas-8 ng umaga at susundan ng pag-aalay muli ng mga bulaklak sa San Agustin Church sa Intramuros.

Alas-11 ng tanghali naman ay ang paglulunsad ng commemorative stamps Philippine Postal Corp., sa Lawton, gayundin sa Museo Pambata.

Mamayang alas-3 ng hapon naman ay balik sa Luneta Park ang aktibidad para sa pagbubukas ng Manila COVID 19 Field Hospital.

Hindi nakadalo sa aktibidad sa Luneta Park si Mayor Isko Moreno dahil kabilang ito sa mga sumalubong sa bagong dating na Sinovac vaccines sa NAIA.

Read more...