Palasyo kinumpirma ang pagpasok sa Pilipinas ng karagdagang 100 Chinese vessels

Ipinasa na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang gagawing hakbang matapos makumpirma na mahigit 100 Chinese vessels ang nadagdag na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque ang mga sasakyang-pandagat ay puimasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Aniya mula sa 129 ay umakyat sa 238 ang bilang ng Chinese vessels.

Paglilinaw naman ni Roque na ang ulat ay hindi nagmula sa anumang kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Ilang diplomatic protests na ang ginawa ng Pilipinas sa China kaugnay sa presensiya ng kanilang mga sasakyang pandagat sa bahagi ng WPS.

Read more...