Karagdagang 4,353 Filipino ang tinamaan ng COVID 19; 49,862 ang active cases – DOH

Hanggang ngayon araw, may 1,372,232 Filipino na ang tinamaan ng 2019 coronavirus, base sa huling datos mula sa Department of Health (DOH).

Nakapagtala ang kagawaran ng karagdagang 4,353 COVID 19 cases sa bansa.

Bumaba naman sa 49,862 o 3.6 porsiyento ang aktibong kaso at ang karagdagang bilang ng mga gumaling sa sakit ay 7,139 para sa kabuuang 1.298,442.

Samantala, nasa 23,928 (1.74%) na ang bilang ng namatay nang madagdagan ngayon araw ng 119.

Ang mga bagong datos ay base sa isinumiteng ulat ng mga laboratoryo noong Lunes sa COVID 19 Document Repository System.

May 15 naman ang tinanggal na duplicates at 12 dito ay pawang gumaling, samantalang 74 kaso naman na unang napa-ulat na gumaling ay napatunayan na namatay matapos ang final validation.

Read more...