2 kompaniya inasunto ng Bureau of Customs dahil sa P24M smuggling

CUSTOMS BUREAU PHOTO

Sinampahan ng Bureau of Customs ng mga kasong kriminal ang dalawang kompaniya dahil sa ‘misdeclaration’ ng P24 milyong halaga ng mga pagkain at produktong agrikultural.

 

Base sa reklamo na inihain sa Department of Justice, ang kaso laban sa Potanion Trading ay kaugnay sa pagpupuslit ng higit P835,000 halaga ng mga sibuyas sa Manila International Container Port (MICP) noong Mayo 11.

 

Samantala, ang mga kaso naman na kinahaharap ng Hightower Inc., ay bunga nang pagpupuslit ng higit P23 milyong halaga ng mga pagkain at agricultural products sa magkakahiwalay na okasyon noong Pebrero hanggang Marso sa Port of Manila.

 

Ipinunto sa reklamo na nilabag ng dalawang kompaniya ang ilang probisyon sa Customs Modernization and Tariff Act.

 

Gayundin ang ginawang paglabag sa Food and Drugs Administration Act of 2009 at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

 

Read more...