VP Leni handang dalhin sa Visayas at Mindanao ang Vaccine Express program

OVP PHOTO

Nagpahayag ng kahandaan si Vice President Leni Robredo na palawigin hanggang Visayas at Mindanao ang sinimulan niyang Vaccine Express program.

 

Tugon ito ni Robredo sa panghihikayat ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na maglagay din ng drive-thru vaccination sites para sa essential workers sa labas ng Metro Manila.

 

“We are very much willing,” tugon ni Robredo kay Rodriguez sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

 

Ngunit una na rin sinabi ni Robredo na malaking hamon sa pagpapalawig ng programa ang limitado pa rin suplay ng bakuna at nakadepende lang sila sa mga lokal na pamahalaan.

 

Sa unang araw ng Vaccine Express kahapon sa CCP Complex, sinabi ni Robredo na ‘sinagot’ lang nila ang mga bus na ginagawang vaccination sites, gayundin ang staff at ang mga bakuna ay mula naman sa pamahalaang-lungsod ng Maynila.

 

Ito ay para sa mga tricycle drivers, pedicab at delivery riders.

Read more...