DepEd may target ng tatlong petsa ng pagsisimula ng School Year 2021 – 2022

Inanunsiyo na ng Department of Education ang tatlong petsa para sa muling pagsisimula ng mga klase ngayon taon.

Ang mga petsa ay Agosto 23, Setyembre 6 at Setyembre 13, pawang araw ng Lunes.

Ngunit sa pahayag ng kagawaran, depende pa rin ito kay Pangulong Duterte.

“We will release the final school calendar for School Year 2021-2022 once we get the final approval of the President,” ayon sa DepEd.

Una nang binawi ni Sec. Leonor Briones ang rekomendasyon para sa limited face-to-face classes sa 1,900 paaralan sa buong bansa matapos na rin itong tanggihan ng Malakanyang.

Ayon kay Briones, mahalaga pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng 27 milyong estudyante, gayundin din ng higit 840,000 na guro kasunod na rin ng pagkalat ng mas delikadong COVID 19 variant.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng DepEd sa muling pagbabalik sa mga eskuwelahan ng mga mag-aaral kapag bumuti na ang sitwasyon sa bansa.

Read more...