5 estudyante nahulog sa bangin dahil sa selfie

 

File Photo

Nahulog sa bangin na may lalim na 24-metro ang limang estudyante nang tangkain nilang mag-selfie habang umaakyat sa bundok sa Malaysia.

Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan ni isa sa kanila sa insidenteng naganap sa Keluang Hill sa Kuala Besut noong Miyerkules.

Kasama ang 20 iba pang mga estudyante ng Universiti Malaysia Kelantan (UMK) na nag-hiking, tumigil sandali ang lima para mag-selfie, ngunit nadulas sila at nahulog sa bangin.

Agad silang pinuntahan ng Besut Fire and Rescue Department nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa nangyari.

Limang bumbero ang ipinadala sa pinangyarihan ng insidente.

Sa kabuuan, nasa 27 katao na ang nasawi dahil sa mga aksidente habang nagse-selfie sa buong mundo noong nagdaang taon.

 

Read more...