Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat pagkulog sa Zambales, Bataan, Cavite, Mindoro provinces, Palawan, Western Visayas at maging ang Metro Manila.
Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa natitirang bahagi ng bansa, magiging maulap ang kalangitan at posibleng makaranas din ng pag-ulan.
Samantala, isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Bandang 3:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 2,265 kilometers Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ani Perez, wala pang direktang epekto ang bagyo sa kalupaan ng bansa, at maging sa eastern seaboards ng bansa.
Sa ngayon, maliit pa ang tsansa na pumasok sa teritoryo ng bansa ang naturang bagyo.