Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (June 21), pumalo na sa 1,364,239 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 55,847 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,249 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.1 porsyento ang asymptomatic; 1.32 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 128 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 23,749 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,053 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,284,643 o 94.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.