Ipinag-utos ni Education Secretary Leonor Briones ang maagang pamamahagi ng P5,000 cash allowance para sa mga guro bago ang pagbubukas ng School Year 2021-2022.
“Our teachers have consistently shown their immediate support to our commitment to deliver quality education amidst the pandemic,” pahayag ni Secretary Briones at aniya, “We want to consistently support them back through all available means while we explore more ways to help them”
Sa ilalim ng Joint Circular No. 2, s. 2021 ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM), pinahihintulutan ang kalihim ng DepEd na tumukoy sa mas maagang iskedyul ng pamamahagi ng cash allowance.
Sa isang memorandum na inilabas sa field offices nina Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla at Assistant Secretary for Finance Ramon Fiel Abcede noong Hunyo 15, inaprubahan na ni Briones ang paglabas ng cash allowance simula June 15, 2021.
Tulad ng nakasaad sa budget law para sa 2021, ilalaan ang P5,000 cash allowance sa pagbili ng mga suplay at materyales sa pagtuturo, pagsasagawa ng iba`t ibang uri ng pag-aaral, internet, at iba pang gastos sa komunikasyon, at para sa kanilang taunang gastos sa pagsusuring medikal.
Saklaw nito ang lahat ng permanente at probisyonal na guro ng pampublikong paaralan, kabilang ang Alternative Learning System (ALS) Mobile at District ALS Coordinators (DALCS) sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya, junior, at senior high, at community learning centers.
Hindi naman kabilang sa cash allowance ang mga pampublikong guro na walang teaching load, absence without leave, nasa indefinite leave of absence, maternity leave, study leave, guilty sa anumang pagkakasala na may kinalaman sa kanilang trabaho, at mga wala na sa serbisyo sa opisyal na simula ng taong panuruan.
Entitled naman sa cash allowance na nakabase sa pro-rata ang mga nagpapatuloy sa tungkulin matapos ang leave at naatasan ng kahit isang teaching load sa 2021-2022 ay.
“This Php 5,000 cash allowance this year is only the start of our support efforts for our teachers in preparation for the upcoming school year. With the help of Congress and our stakeholders, we have lined up more initiatives to ensure teachers’ welfare,” saad ni Briones.