Special non-working holiday idineklara sa Maynila sa June 24

Idineklarang ng Malakanyang na special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila sa June 24, 2021.

Batay ito sa inilabas na Proclamation No. 1167 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ito ay bilang selebrasyon ng ika-450 Founding Anniversary ng Maynila sa nasabing petsa.

Nakasaad sa proklamasyon na sa pagdaraos ng mga aktibidad, pinayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang social distancing at public health measures.

Read more...