Walk-in clients, pinayagan na sa Maynila bunsod ng mababang vaccination turnout

Manila PIO photo

Pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang walk-in clients sa lahat ng COVID-19 vaccination sites sa lungsod.

Inilabas ng alkalde ang naturang direktiba bandang 4:30, Lunes ng hapon, June 21.

Ito ay kasunod ng napaulat na mababang vaccination turnouts sa apat na mall sites.

Hanggang 11:00, Lunes ng umaga, narito ang bilang ng naiturok na bakuna sa mga sumusunod na lugar:

Lucky Chinatown Mall — 170 bakuna ang naiturok mula sa 2,500 doses

Robinsons Place Manila — 195 bakuna ang naiturok mula sa 2,500 doses

SM City Manila — 233 bakuna ang naiturok mula sa 2,500 doses

SM San Lazaro — 313 bakuna ang naiturok mula sa 2,500 doses

Read more...