17 kaso ng mas mapanganib na COVID 19 Delta variant naitala ng DOH

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sa bansa ng 17 kaso ng mas mabilis na maihawa na Delta variant ng COVID 19.

Sa huling datos mula sa Philippine Genome Center at UP National Institute of Health, apat na kaso pa ng Delta variant ang nadagdag sa unang naiulat na 13 kaso.

Tatlo sa nadagdagan na apat ay mga Filipino seafarers na nakabiyahe sa South Korea, samantalang ang isa ay galing naman ng Saudi Arabia.

Ang Delta variant ay nagmula sa India.

Kasabay nito, ibinahagi ng kagawaran na may 14 bagong kaso ng Alpha (United Kingdom variant) ang nadiskubre; 21 kaso ng Beta (South Africa) at isang kaso ng Theta (Philippines) variant.

Pagtitiyak ng DOH na patuloy ang pagsasagawa nila, katuwang ang UP – PGC at UP – NIH, ng biosurveillance activities kaugnay sa COVID 19 variants kasabay nang pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao.

Read more...