Taas-presyo sa mga produktong-petrolyo ikakasa bukas

Inanunsiyo na ng ilang kompaniya ng langis ang ipapatupad nilang taas-presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo simulas bukas, araw ng Martes,  Hunyo 22.

Una sa pag-anunsiyo ang Pilipinas Shell at Seaoil Philippines na magdadagdag ng P0.70 sa bawat litro ng kanilang diesel o krudo, gayundin sa bawat litro ng kerosene.

Samantala, P0.75 naman ang kanilang idadagdag sa kada litro ng kanilang gasoline.

Maging ang Cleanfuel ay inanunsiyo na ang katulad na pagtaas sa kanilang krudo at gasoline.

Magiging epektibo ang price adjustments ng Shell at Seaoil ala-6 ng umaga bukas, samantalang alas-4 pa ng hapon gagalaw ang presyo ng gasolina at diesel ng Cleanfuel.

Inaasahan na magpapatupad din ng pagtaas ng presyo ang iba pang kompaniya ng langis.

Read more...