Higit pa sa pagpapatunay na hindi suwerte ang pagkakapanalo nila sa South Korean nang muling talunin ang bumitang koponan, tinapos ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup qualifiers ng walang talo, 6 – 0.
Tinalo ng Pilipinas ang South Korea, 82 – 77, sa kanilang huling laro sa AUF Gym sa Pampanga kahapon.
Naglaro ang Gilas para patunayan kay South Korea head coach Cho Sang Hyun na hindi lang suwerte ang panalo ng Pilipinas sa unang paghaharap ng dalawang koponan.
Naitakas ng Gilas ang panalo, 81 – 78, nang pumasok ang tres ni SJ Belangel may dalawang segundo na lang ang natitira sa laro.
Ito ang unang panalo ng Pilipinas kontra South Korea sa loob ng walong taon.
Sa huling 40 segund ng laro, nakatakas ng dunk shot si Justine Baltazar para gawing apat ang kalamangan, 79-75.
Lumapit pa ang Korea nang makapasok ng dalawang puntos si Ra Gun-Ah, ngunit tinawagan ng unsportsmanlike foul si Lee Daesung at kasunod nito ay nag-ambag pa ng tatlong puntos mula sa freethrow sina Belangel at Dwight Ramos, na gumawa ng 19 puntos.
Tig-10 puntos naman sina Kai Sotto, Jordan Heading at RJ Abarrientos para sa Gilas.
Gaganapin sa Indonesia ang Asia Cup ngayon Agosto.