‘Summer solstice’ mararanasan ngayon araw sa Pilipinas

Ngayon magaganap ang tinawag na ‘summer solstice’ o pinakamahabang araw ngayon 2021, ayon sa PAGASA.

“Philippine nights are at their shortest and daytimes are at their longest during the summer solstice,” ayon sa PAGASA sa kanilang buwanang astronomical diary.

Paliwanag ng ahensiya ngayon araw ang magiging declination ng araw ay +23.5 degrees at dadaan ito direkta sa tuktok ng lahat mamayan tanghali sa latitude na 23.5 degrees North, na kung tawagin ang Tropic of Cancer.

“This event marks the start of the apparent southward movement of the Sun in the ecliptic,” ayon pa sa PAGASA.

Sumikat ang araw ngayon umaga kaninang ala-5:28 at lulubog ito mamaya ng ganap na ala-6:27 ng gabi para sa kabuuang 12 oras, 59 minuto ng liwanag.

Samantala, patuloy na maaapektuhan ng Habagat ang ilang bahagi ng Luzon, partikular na ang Zambales at Bataan na makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila at iba ipang bahagi ng Luzon ay magigimg maulap at posible rin ang pag-ulan.

Read more...