Magnitude 4.6 na lindol yumanig sa Saranggani, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Saranggani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, nasukat ang lindol sa layong 115 kilometro, Timog-Silangan ng bayan ng Saranggani dakong 11:20 ng umaga, araw ng Linggo.

May lalim ito na 44 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naitalang intensity ang pagyanig.

Read more...