250,000 na COVID-19 vaccine ng Moderna darating na sa bansa

Inaasahang darating na sa bansa sa June 27 ng kasalukuyang taon ang unang  batch ng COVID-19 vaccine ng Moderna.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kabuuang 250,000 na doses ng bakuna ang idi-deliver sa Pilipinas kabilang ang binili ng pribadong sector.

Sa June 24 naman sinabi ni Galvez na karagdagang 1.5 doses ng Sinovac ang parating at 2,028,000 na doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility ang darating din ngayong buawan ng Hunyo.

Bukod dito, 150,000 na doses din ng Sputnik V ang nakatakdang ideliver ngayong buwan ng Hunyo.

Inaasahan din ng opisyal na ngayong buawan madadala sa bansa ang mga donasyong bakuna mula sa Estados Unidos.

Ayon sa National Task Force, kabuuang 14,205,870 na doses ng bakuna kontra sa COVID-19 ang dumating na sa bansa.

Kabilang dito ang mga bakuna ng Sinovac, Sputnik V, Pfizer at AstraZeneca.

Sa nasabing bilang, 8,050,711 na ang na ang naibakuna sa buong bansa hanggang noong June 18.

5,953,810 dito ay  first dose habang 2,096,901 naman ang second dose.

 

 

Read more...