Isa pang atletang Filipino ang nakapasok sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ay matapos mag-qualify ang shooter na si Jason Valdez sa quota system para sa International Shooting Sports Federation.
Si Valdez ang ika-12 Filipino na nakapasok sa Tokyo Olympics.
Sa ngayon, pasok na sa Tokyo Olympics sina EJ Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz and Elreen Ando (weightlifting), Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Nesthy Petecio (boxing), Criz Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), at Margielyn Didal (skateboarding).
MOST READ
LATEST STORIES