6,959 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Aabot sa 6,959 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, sa ngayon, nasa 59, 439 ang bilang ng active cases.

Sa kabuuan, nasa 1.353 milyong kaso ng COVID-19 mayroon ang Pilipinas.

Nabatid na sa 59, 439 na active cases, 95.7 percent ang mild at asymptomatic.

Umabot naman sa 23,538 ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang 1.270 milyon ang nakarekober.

 

 

Read more...