(Picture courtesy of Senate President Tito Sotto)
Kasapi na ngayon ng Nationalist People’s Coalition si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Lis Chavit Singson.
Ginawa ni Singson ang ang pag-anib sa NPC apat na buwan bago ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 national elections.
Base sa larawan na ibinahagi ni Senate President Tito Sotto, nanumpa si Singson bilang bagong miyembro ng NPC sa NPC Clubhouse sa New Manila, Quezon City.
Si Sotto ang pinakamataas na elected member ng NPC.
Ayon kay Sotto, isang malakas na political asset si Singson.
Bukod sa pagiging Mayor ng Narvacan, si Singson ang tumatayong presidente ngayon ng Municipal Mayor’s League of the Philippines.
MOST READ
LATEST STORIES