P5.5 bilyong utang ng Philhealth sa Red Cross nabayaran na

Nakapagbayad na ang Philhealth ng P5.5 bilyon sa Philippine Red Cross.

Ito ay para sa libreng COVID-19 tests na alok ng pamahalaan.

Ayon kay Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs ng Philhealth, patuloy ang pagsumite ng Red Cross ng test claims at patuloy ang pag-proseso ng kanilang hanay para mabayaran ang iba pang utang.

Matatandaan na noong Oktubre, sinuspendi ng Red Cross ang pagsasagawa ng libreng swab test dahil hindi pa nabayaran ng Philhealth ang P930 milyon na utang.

 

 

Read more...