Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ito ay para sa mga isasagawang aktibidad sa ika-160 Birth Anniversary ni Dr. Jose Rizal.
Isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw simila 6:00 ng umaga.
Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Lahat ng light vehicles mula Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma.Orosa papunta sa destinasyon.
Samantala, lahat naman ng trailer trucks o heavy vehicles na magmumula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay maaring kumaliwa sa P. Burgos, saka dumeretso sa finance Rd- Ayala Ave., kanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon.
Para naman sa mga bibiyahe sa northbound ng Roxas Boulevard, kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa papunta sa destinasyon.
Sa trailer trucks o heavy vehicles na babagtas sa northbound ng Roxas Boulevard mula P. Ocampo, pwedeng kumanan sa Pres. Quirino Avenue hanggang Plaza Dilao papunta sa destinasyon.
Sa mga sasakyan namang magmumula sa tatlong tulay; McArthur, Jones at Quezon ay dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard mula P. Burgos, maaring dumaan sa Round Table, saka magtungo sa Ma. Orosa o dumaan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.
Narito naman ang mga itatalagang parking area:
– Isang lane Katigbak Drive
– Isang lane South Drive
– Isang Lane TM Kalaw Westbound
– Service Road ng Roxas Boulevard
Ibabase ang mga pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko.