Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (June 18), 26,500 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,936 ang aktibo pang kaso.
134 muli namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 24,493 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 71 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES