Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 178.20 milyon

Pumalo na sa 178.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 178,207,613 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,377,592 cases.

Sumunod na rito ang India na may 29,762,793 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 17,704,041 naman ang kaso sa Brazil habang 5,749,691 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,354,153
– Russia – 5,264,047
– United Kingdom – 4,600,623
– Italy – 4,249,755
– Argentina – 4,222,400
– Colombia –  3,859,824
– Spain – 3,753,228
– Germany – 3,727,624
– Iran – 3,070,426

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,858,073 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 162,716,220 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...