Magnitude 4.1 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Surigao del Sur, Huwebes ng gabi.

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 63 kilometers Northeast ng Bayabas bandang 10:03 ng gabi.

May lalim na 4 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...