Lumabas sa survey na 25.8 porsyento sa adult labor force ang walang trabaho.
1.5 points itong bumaba mula sa naitalang 27.3 porsyento noong November 2020 ngunit 8.3 points pa ring mas mataas sa pre-pandemic level na 17.5 porsyento noong December 2019.
Tinawag ng SWS na labor force ang mga may edad 18 pataas na kasalukuyang may trabaho at naghahanap ng trabaho habang Labor Force Participation Rate naman ang proporsyon sa labor force.
Base rin sa resulta, kabilang sa mga walang trabaho ay mga inidibiduwal na boluntaryong umalis sa dating trabaho, naghahanap ng unang trabaho, o nawalan ng trabaho dahil sa epekto sa ekonomiya ng pandemya.
Isinagawa ang First Quarter 2021 Social Weather Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,200 adults sa bansa mula April 28 hanggang May 2, 2021.