Kinuwestiyon ni Senator Francis Tolentino ang kredibilidad ni retired International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda.
Bago nagretiro noong nakaraang Martes, inirekomenda ni Bensouda na maimbestigahan ang mga diumanoy ‘crimes against humanity’ ng administrasyong-Duterte sa pagkasa ng madugong kampaniya kontra droga.
Ibinahagi ni Tolentino na napabilang si Bensouda sa ‘specifically designated national’ o SDN list ng US sa ilalim ng administrasyong-Donald Trump.
Ikinunsidera itong bansa sa national security, foreign at economic policies ng dating gobyerno ng Amerika.
Dagdag pa ni Tolentino hinarang din ng US Treasury ang financial transactions ni Bensouda.
Kayat giit ng senador mahirap paniwalaan ang mga pahayag ni Bensouda ukol sa administrasyong-Duterte sa kadahilanan na ilang bansa ang idineklara itong ‘persona non grata’ dahil sa hinihinalang kaugnayan nito sa mga terorista.