Positibo ang Palasyo ng Malakanyang na mas magiging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko sa taong 2021.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, target kasi ng pamahalaan na makapagdiwang ng Pasko ang mga Pinoy na wala nang suot na face mask dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sinabi kasi ni Molecular Biologist Father Nicanor Austriaco na maaring maabot ng bansa containment ng virus sa Oktubre at ang herd immunity sa buwan ng Nobyembre kung magtutuluy-tuloy ang pagbabakuna sa 250,000 katao kada araw sa NCR Plus o ang Metro Manila, Cebu, Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.
Ang containment ay pagbabakuna sa 40 hanggang 50 porsyento ng populasyon habang ang herd immunity ay pagbabakuna sa 70 hanggang 80 porsyento ng populasyon.
“Kaya po ‘yan ‘no. Kaya nga po we are aiming for population protection or iyong containment na sinasabi ni Fr. Austriaco kasi alam na natin na sa mga bansang nakamit na nila iyong containment eh hindi na sila nagmamaskara – at least sa outdoors ‘no gaya po ng Israel at ilang lugar sa Amerika. So that is what we’re aiming for ‘no. Tama po si Fr. Austriaco, a mask less Christmas,” pahayag ni Roque.
Sa panig ni Austriaco, sinabi nito na kung magiging steady ang suplay ng bakuna, tiyak nang magiging masaya ang Pasko.
Mahalaga kasi aniya na ma-contain ang virus sa ncr dahil dito nagsisimula ang surge ng COVID-19.
“So how long will it take? We calculated: If 250,000 per day, we will get to containment in October and herd immunity in November. And this is a realistic and attainable goal for all of us. So we have to imagine as a country a no-mask Christmas. Can we have a no-mask Christmas? What would it look like? It would look like what it was before. This is possible, Israel showed, once you attain containment. You do not even have to have herd immunity. The average daily attack rate has to fall between 1 and 100,000. That is about a hundred cases per day in the NCR. When that happens, we can begin to lift social distancing and masking arrangements. So this is something, this is my last slide, this is something that we can imagine,” pahayag ni Austriaco.