Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (June 17), pumalo na sa 1,339,457 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 58,407 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,637 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsyento ang asymptomatic; 1.30 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 155 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 23,276 o 1.74 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,585 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,257,774 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.