Number coding, suspendido pa rin

Abiso sa mga motorista.

Suspendido pa rin ang number coding scheme, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ng ahensya na “until further notice” epektibo ang suspensyon ng number coding.

Ayon sa MMDA, suspendido ang number coding scheme habang patuloy ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) ‘with some restrictions sa Metro Manila.

Iiral ang GCQ ‘with some restrictions’ sa Metro Manila simula June 16 hanggang 30, 2021.

Read more...