Tatlong puganteng Koryano na wanted dahil sa illegal gambling, timbog sa Makati

Arestado ang tatlong puganteng South Korean national na wanted dahil sa pag-operate ng illegal gambling sites online.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ng mga operatiba ng BI Fugitve Search Unit (FSU) sina Cho Chang Joo, 26-anyos; Beom Dawon, 26-anyos; at Hong Changwoo, 29-anyos, sa isang condominium unit sa Barangay San Lorenzo, Makati City noong Martes ng hapon.

Pinagtibay ang operasyon ng order na inilabas ni Morente kasunod ng kahilingan ng South Korean authorities.

Ipinaalam din ng ahensya na undocumented aliens ang tatlo dahil kanselado na ang mga pasaporte.

“The three will face deportation and will be sent back to their country of origin to face Korean courts,” pahayag ni Morente.

Dagdag nito, “They will likewise be included in the Bureau’s blacklist, effectively barring them from re-entering the country.”

Mayroon ding inilabas na red notice ang Interpol noong 2019.

Ikukulong ang mga dayuhan sa BI Warden Facility sa Taguig City habang hinihintay ang deportation. 

Read more...