DENR, target nang buksan sa publiko ang Manila Bay

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buksan na sa publiko ang kontrobersiyal na Manila Bay.

Pero ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, depende ito sa water quality sa Manila Bay.

Patuloy kasi aniya ang paglilinis ng DENR sa baybaying dagat dahil sa mga basurang naanod.

Bibigyang prayoridad ni Cimatu na makapag-swimming sa Manila Bay ang mga nakiisa sa tinaguriang “Battle for Manila Bay” kung saan mahigit sa 1,000 environmentalist ang sama-samang naglakad at nilinis ang Manila bay.

Bukod sa pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay, nagtanim na rin ang DENR ng 60 puno ng niyog sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Ito ay para mabigyan ng natural na kagandahan ang Manila Bay na dati-rati ay tambakan ng basura.

Sinabi pa ni Cimatu na tataniman din ang gilid ng baybaying dagat ng mga shrub para magkaroon naman ng privacy ang mga nais na mag-swimming sa Manila Bay.

Pakiusap ni Cimatu sa mga may-ari ng restaurant sa paligid ng Manila Bay, itapon ng maayos ang basura at water waste.

Maging ang mga barko na nakadaong sa Manila Bay, ipnasusuri na ni Cimatu kay DENR Undersecretary Benny Antiporda para masiguro na hindi itinatapon sa dagat ang basura.

Inatasan na rin ni Cimatu ang Regional Director ng DENR Region 4 a na linisin ang mga baybaying dagat sa may bahagi ng Cavite para hindi na maanod ang basura sa Manila Bay.

Aabot sa P389 milyon ang inilaang pondo ng DENR para sa pagpapaganda at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Bago pa man sinimulan ng DENR ang paglilinis, umabot sa 330 milyon ang fecal coliform level sa Manila Bay.

Read more...