Nagbaba ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para hinilingan ang pag-apruba ng korte sa agarang pagwasak ng humigit P1 bilyong halaga ng shabu.
Nakumpiska ang nasabing halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Parañaque City noong June 13.
Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang big-time Chinese drug traffickers na sina Zhuzun Chen at Man Kuok Wong.
“We will be coordinating with the PDEA in convincing the courts that will handle the cases that we filed in connection with these two operations to destroy these confiscated illegal drugs in the soonest possible time,” pahayag ni Eleazar.
“Ito naman ay naayon sa kautusan ng ating Pangulo na dapat ay sirain na kaagad ang mga nakukumpiskang iligal na droga sa loob ng isang linggo after the operation. At dapat lang namang gawin ito upang maalis na ang mga pagdududa tungkol sa nakukumpiskang iligal na droga,” dagdag nito.
Binati naman ng PNP Chief ang mga police team ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakipag-ugnayan sa PDEA at iba pang police units sa matagumpay na operasyon.
“When there’s close coordination among law enforcement units, an operation becomes highly successful and effective. Kung magpapatuloy ang ganitong mga operasyon, nasisiguro kong mas mapapadali ang pagsawata natin sa iligal na droga,” saad ni Eleazar.
“This latest seizure of illegal drugs only shows that the PNP and the PDEA remain relentless and on track in the war on drugs,” aniya pa.