188 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Nasa 124 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (June 16), 26,182 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,878 ang aktibo pang kaso.

188 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 24,233 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 71 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...